2.Inday ng Buhay Ko

Inday ng buhay ko
Ikaw ay nasaan
Bigla kang nagtampo
Ano ang dahilan

Kung diringgin mo lang
Ang puso kong nalulumbay
Taghoy ko araw-araw
Ikaw, ikaw Inday

Larawan mo Inday

Hinahagkan-hagkan

Kinakausap ko't
Luha'y bumubukal

Saan kaya ngayon
Ikaw ay matatagpuan
Kapag di ka nakita
Ako'y mamamatay

(Inday ng buhay ko)
(Ikaw ay nasaan)
(Bigla kang nagtampo)
(Ano ang dahilan)

Kung diringgin mo lang
Ang puso kong nalulumbay
Taghoy ko araw-araw
Ikaw, ikaw Inday

Nahan, nahan
Nahan ka o, Inday
(Inday ng buhay ko)